CARLA ABELLANA NANAWAGAN: BIGYANG PROTEKSIYON ANG MGA HAYOP NA NA-TRAP SA TAAL

CARLA ABELLANA

PAGDATING  sa pagtulong sa mga hayop  ay laging  handa si Carla Abellana.  hotshotsNanawagan  nga siya na  tulungan at isalba  ng mga  kinauukulan  ang  mga hayop  na  na-trap sa Taal.

Sumama  nga siya sa grupo  ng  PAWS  (Philippine Animal Welfare Society)  nang  maging  libre  sa taping ng bago niyang teleseryeng  “Love of My Life”  sa GMA 7 para  tumulong sa pagpapakain  at  ma-evacuate ang mga ha­yop  na na-trap pa rin hanggang ngayon sa sumabog na Bulkang Taal.

“We  also went to the temporary  shelter ng domesticated  animals  sa Lipa  po. Isa po ‘yun sa mga temporary shelters for the evacuated  animals. Nagpakain po kami  dun, napainom po naman sila, pinagamot  namin sila. And we had a meeting  po ng provincial  Vet ng Batangas  po after,” pahayag ni Carla sa presscon ng “Love of My Life.”

Noon pa man kahit hindi pa nag-aartista si Carla ay mapagmahal na siya sa mga hayop kaya ganoon na lang ang kagustuhan niya na sana magkaroon din daw ng batas ang gobyerno para sa proteksiyon ng mga hayop na dumaranas ng sakuna.

“Isa  po ‘yan sa matagal  na nilalaban po ng animal  welfare  na magkaroon  po  ng protocol  for animals  also.

“Siyempre, source of  livelihood  po  ‘yan  ng  ka­ramihan. Lalo na po ‘yung  horses, mga kalabaw, cattle, pigs, ducks, chickens. Source of livelihood  po sila ng karamihan, so sana hindi  po sila kalimutan.

“Sana  magkaroon po ang government  ng protocol  for  animals naman  po. Para  we can rescue  and evacuate as much animals as possible, para hindi rin po mawalan ng livelihood  ang mga tao po,” say pa ni Carla na lead actress sa “Love of My Life” na nagsimula nang umere  sa GMA7 pagkatapos ng “The Gift” ni Alden Richards.

JAMES REID DESIDIDO NA MAGKABATI SILA NI NADINE

TILA desidido na rin si James Reid na makuha muli ang puso ni Nadine Lustre dahil sinusunod na ng actor ang gustong mangyari ni Nadine sa kanya.

Sinabi  raw kasi ni Nadine na may  gusto siyang baguhin sa ugali ni James  at kapag nagawa raw ‘yun ay posibleng magkabalikan sila muli.

Isa nga sa pagbabago  na gustong mangyari  ni James sa pagpasok ng year 2020 ay ibalik  muli ang kanyang magandang pa­ngangatawan.

Sa Instagram post ng kanyang sister na si Lauren ay makikita na magkasama silagn nag-dyi-gym.

“For  those  that were  wondering…YES! WE MADE  IT!” say ni sister ni James.

Tuwang-tuwa ang mga fan ni James dahil  nakikita na nila na inaayos  ng actor ang sarili. Kailangan hindi na magpuyat  at uminon ng alak si James, gimik dahil bawal ang mga ito kapag ikaw ay seryoso sa pagpapaganda ng katawan.

JUDY ANN SANTOS AT RYAN AGONCILLO MAY KAKAIBANG VALENTINE’S DAY

MAY  kakaibang  Valentine`s  Day  treat ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.  Special  treat nila  para  sa 15 couples  at maka-kasama pa nila sina Juday at Ryan.

Bukod sa makakasama nga nila ang mag-asawa ay makikita  rin ng 15 couples  kung paano ihanda at lutuin ang popular  dishes  sa kanilang Angry Adobo restaurant.

Ang  ihahanda ni Juday sa harap ng 15 couples ay ang Angry Adobo, Pako and Salted Eggs Salad, Kanchos, Angry bowls  at  Champsicles.

Tatawagin  nilang Eat, Laugh, Cook, and Love ang naturang event sa February 13,  alas-otso ng gabi kasama ang Head Chef na Judy Ann.

Ang  Angry Abodo branch naman nila sa Westgates, Alabang  ay limited  lamang sa 30 slots o 15 couples lang ang puwedeng ma-accomodate sa halagang P3,500 per slot.

May paalala lang si Juday na siguruhin ang attendance sa pamamagitan ng pagte-text sa 0919-3294062 .

Comments are closed.