MALUNGKOT man, mukhang okay lang na mag-isa si Carla Abellana. Mukhang marami siyang pinagkakaabalahan sa gitna ng kontrobersiyang hiwalayan nila ni Tom Rodriguez.
Cryptic ang mga messages niya sa Instagram at ayaw rin niyang magpa-interview tungkol sa isyung ito, kaya napapagpiyestahan silang mabuti ng mga Maribel, marites at Marisol na netizens. Sila ang nagbibigay ng kulay sa bawat aksyon ng dalawa, kahit pa ang simpleng pag-like o simpleng background music sa IG.
Idinaan daw ni Carla ang lahat sa dasal kung anuman ang pinagdadaanan niyang problema at hindi rin niya pinababayaan ang sarili. Nabanggit pa nga sa IG ni Carla sa kanyang “kasambahay” na lagi raw siyang ipinagluluto ng healthy food kaya nagpapasalamat talaga siya dito. Dagdag niya sa kanyang postscript kalakip ng smiley: “Masarap din palang maalagaan.” KAYE NEBRE MARTIN