CARLA ABELLANA SA PET LOVERS: I-DISINFECT DIN ANG MGA ALAGANG HAYOP

CARLA ABELLANA

KANYA-kanyang diskarte ngayon ang mga Pinoy kung paano patatakbuhin ang kanilang buhay at kalusugan ng kanilang pamilya sa patuloywallface na paglaganap ng COVID-19. May kanya-kanya ring paraan para makatulong sa kapwa. Isa na riyan ay ang pagbibigay ng tamang impormasyon sa social media at mga babala para makaiwas sa impeksyon.

‘Maging mga artista ay may kanya-kanya ring ambag sa masa. At isa sa mga aktres natin, tulad ni Carla Abellana,  ay nagpakita ng malasakit hindi lang sa tao kundi maging sa mga alagang hayop na hindi rin ligtas madapuan ng virus at maipasa sa tao sa pamamagitan ng touch o pisikal na kontak.

Post nga ni Carla, na kilalang-kilala na isang animal advocate, sa kanyang socmed account na pati mga alagang aso o pusa ay bawal na rin magpagala-gala sa kalsada. Kailangan din na ma-disinfect ang mga ito kahit nasa tahanan lang. Hindi rin kasi sa lahat ng oras ay ligtas na  madapuan sila ng virus kung kaya tulad din sa tao na laging pinaghuhugas ng kamay ay dapat din na ma-sanitize ang mga paws ng mga alagang hayop.

MARTIN DEL ROSARIO INAMING DUSA ANG MAG-DUB NG BOSES PARA SA ISANG KARAKTER SA TV

AMINADO ang magaling na Kapuso na si Martin del Rosario, dusa ang inabot niya nang mapasama siya sa cast ng pang Holy Week presentation ng GMA Network, ang eight part series na “Jesus is Life”. Sa naturang serye, ay si Martin ang naatasan mag-dub ng boses ng karakter ni Judas Iskariote, ang nagtraydor kay Hesukristo.

Say ni Martin, first time niyang mag-dub ng boses at kailangan din sumasabay ang boses niya sa akting ng banyagang aktor na lumabas bilang si Judas.

Aminado ang aktor na kabado siya nang unang sumalang sa dubbing. Panay tanong sa sarili kung maganda kaya kinalabasan ng kanyang voice acting at hindi naging OA o over acting.

Bagama’t sa umpisa ay nagkabulol-bulol at kabado, at hirap na hirap pa sa pagbabato ng kanyang linya sa kapwa niya aktor, ‘di nagtagal ay nakabawi naman si Martin at kinagiliwan na ng kanyang ginagawa. Dagdag na say pa ni Martin baka nga raw kung dumating ang oras na magla-lie low na siya sa kanyang acting career, gagawin naman daw niyang propesyon ang pagiging dubber.

Kuwento pa ni Martin, tinuring niyang suwerte ang pagkapili sa kanya na mag-dub sa boses ni Judas.

Para kasi sa kanya ay napaka-interesting ng karakter nito. Parang tulad din halos ng madalas na maging papel niya sa mga teleserye, ang pagiging traydor sa mga bida.

Mapapanood ang “Jesus His Life: Judas” sa Good Friday, April 10, 5:00 p.m sa GMA-7.

Comments are closed.