Carla Abellana, Tom Rodriguez bati na

OKAY na pala sina Carla Abellana at Tom Rodriguez dahil muli silang nag-follow sa isa’t isa sa Instagram.

Nabalita kasing naghiwalay ang dalawa matapos ikasal sa Tagaytay noong October 23, 2021 lamang dahil umano sa third wheel na si Kelley Day.

In fairness, itinanggi ito ni Day lalo na ang tsikang buntis siya na si Tom ang ama.  Kahit naman siguro sinong anghel, magagalit kung malalamang nakabuntis ng iba ang asawa mo e kakakasal pa lamang ninyo.

Siguro, nagkapaliwanagan na ang dalawa, at siguro rin, pumagitna si Day para magkasundo na ang dalawa dahil hindi naman talaga siya guilty. Simpleng misunderstanding lang ang nangyari. Sana lang, tuluy-tuloy na ito.  — KNMartin