Carlo Aquino, Charlie Dizon kasal na

Nakakatuwa namang kahit maraming showbiz couples ang naghihiwalay ngayon, meron pa ring nauuwi sa kasalan. Una, sina Nash Aguas at Mika de la Cruz at ngayon naman ay sina Carlo Aquino at Charlie Dizon. “Secret wedding”

daw ito na ginanap sa Silang, Cavite nitong June 9. Heller? May secret wedding pa ba ngayon lalo na kung artista ka?

Di ba may wedding banns at nakapaskel sa bulletin board ang pangalan at picture ng magpapakasal? Saang banda ang secret dun? Baka ibig nilang sabihin, discreet wedding dahil hindi nag-invite.

So, kasal na nga sila! Huwag sanang maghiwalay. Huwag sanang matulad sa ibang matapos magkaanak, magbi-break din pala. Si Carlo naman kasi, nasa tamang edad na at si Charlie, mukhang seryoso sa buhay. Looks like pinag-isipan muna nila ito bago pinasok.

Ninong at Ninang nila sa kasal sina ABS-CBN CEO and President Carlo Katigbak, COO for Broadcast Cory Vidanes, ABS-CBN Board of Directors member Charo Santos-Concio, Vilma Santos-Recto, Maricel Soriano, Olivia Lamasan, Veronique del Rosario-Corpuz ng Viva, Star Magic Head Laurenti Dyogi, at sina Senator Bong Revilla at maybahay nitong si Congresswoman Lani Mercado.

Maid of honor si Sue Ramirez, habang bridesmaids naman sina Belle Mariano, Kaila Estrada, at Adrian Lindayag.

Kabilang sa groomsmen sina Ketchup Eusebio at Ramon Bautista.

Si Loisa Andalio ang candle bearer, habang si Elisse Joson sa veil, at si Alexa Ilacad sa cord.

Wala umanong naging major problem sina Carlo at Charlie sa panahon ng kanilang relasyon dahil boto naman kay Carlo ang family ni Charlie.

Matatandaang nanalong best actress si Charlie sa 47th Gawad Urian noong June 8. Si Carlo naman ay multi-awarded actor din. Wow! Pag nagkaanak sila, baka umuuha pa lang, best child performer na.
Good luck sa inyong dalawa at magtagal sana ang inyong pagsasama. Huwag kayong tutulad sa iba. RLVN