CARLO AQUINO NAKA-6 NA TAON NA SA NEGOSYONG BIG BITE AVENUE FOOD TRUCK

MAGKASOSYO sa negosyo si Carlo Aquino at former live-in partner na si Kristine entra eksenaNie­to. Itinayo nila noong 2013 ang kanilang first business venture na Big Bite Avenue Food Truck with the initial capital of P2 million.

After a few months ay mabilis na nakilala ang kanilang signature Big Bite Avenue Burger and Chorizo Longganisa Burger. Kumikita ang nasabing ex-couple ng minimum na P25,000 tuwing weekend.

Pero, sa kabila ng matagumpay na negosyo, inamin ni Carlo: “Kaila­ngan patient ka na hindi kaagad darating ‘yung ROI (Return on Investment).” Kahit last year pa hiwalay ay tuloy pa rin ang negosyong ito nina Carlo at Kristine. At least, civil naman sa isa’t isa.

ATTY. FERDINAND TOPACIO PINASAYA ANG FANS NI NADINE LUSTRE SA INISPONSOR NA BLOCK SCREENING NG ‘INDAK’

TWO Saturdays ago ay nagpa-block screening ang BFF naming lawyer na si Atty. FERDINAND TOPACIOFerdinand Topacio ng “Indak” ni Nadine Lustre sa SM Light Cinema sa Boni, Mandaluyong. Successful ito at dumating ang lahat ng inimbitahang officers and members ng fans club ni Nadine na matagal ng sumusuporta sa career ng idolo nilang singer-actress.

Naimbitahan kami ni Atty. Topacio sa nasabing event at napanood namin ng buong-buo ang Indak na may relevance naman pala ang kuwento tungkol sa taga-probinsiyang si Nadine na nawalan ng confidence nang madulas habang nagsasayaw sa harapan ng maraming tao na nabuhay lang ulit ang pangarap nang mapadpad sa isla nila ang dancer choreographer na si Sam Concepcion.

Nakipag-compete sila sa dance competition sa Korea at naiuwi nila ang second prize. Going back to attorney, matagal na siyang tagahanga ni Nadine, nasubayba­yan na raw niya ang career ng actress noong miyembro pa ito ng Pop Girls, na madalas magback-up sa mga concert ni Sarah Geronimo.

Unang kita pa lang daw ng pamosong abo­gado ay alam na niyang sisikat itong si Lustre at ngayon, ang wish niya ay makilala ito ng personal. Maliit lang ang showbiz, madali lang magtagpo ang landas nila ni Nadine. Naka-bibilib si Atty. Ferdie pagkatapos ng hectic schedule sa kaliwa’t-kanang mga hearing ay theraphy o pampa-relax niya ang  pagiging updated sa showbiz happenings at pagsuporta sa artista na hinahangaan niya.

80s KIDZ ITINANGHAL NA WINNER SA EB 80s DANCE HITS GRAND FINALS, NAG-UWI NG P100K

NAGSILBING reunion ng Vicor Dancers sa pangunguna ni Ms. Joy Cancio kasama si Geleen Eugenio nang sila ang magsilbing judges last Saturday sa Grand Finals ng “EB 80’s Dance Hits.”

Limang grupo ang naglaban at  sumayaw ng throwback dance hits tulad ng Rico Mambo, Footloose, etc. Pero ang itinanghal na grand winner sa score na 96% ay ang 80’s KIDZ ng Pasig City na sinayaw ang hit noong 1995 ng grupong Menudo na “Explosion.” Wagi ang 80’s KIDZ ng tumataginting na P100K plus trophy. Naging second place naman ang E Groovers na nakapag-uwi ng P20K at trophy.

Comments are closed.