SI CARLO Nicolas na tubong Pangasinan at ngayon ay naninirahan na sa Imus, Cavite ay isa sa mga halimbawa na naging maganda ang buhay dahil sa magandang kapalaran na hatid ng sabong. Si Carlo ngayon ay isa sa libo-libong gumagawa ng iba’t ibang klase ng tari at bakal kasama na rin dito ang mga gamit sa pananari.
Tinatayang umaabot na sa 5 bilyon ang industriya ng tari sa bansa. Ang isang basehan dito ay higit isang milyong manok na ang nailalaban kada buwan at kung tutuusin ay 12 milyon kada taon ang mga manok na sinasabong sa buong bansa.
Kung ang halaga ng isang tari ay P1,000.00 kada piraso ay malinaw na isang bilyong piso ang tinutustos upang makabuo ng isang pirasong kalidad na tari. Ang isang mananari ay may isang dosenang tari na kanyang ginagamit sa tuwing may sabong.Kaya rito pa lamang ay kitang-kita na po natin ang laki ng industriya ng sabong sa Pinas.
Ang isang nakagugulat, ayon kay Carlo, ay ang uri ng bakal na ginagamit sa paggawa ng tari. Akala ko ay simpleng bakal lamang ay sapat na subalit nang aking saliksikin ay nalaman ko na napakaraming uri ng bakal ang ginagamit at sinusubukan sa paggawa ng tari. Mga uri ng bakal na hindi ninyo iisiping gagamitin sa paggawa ng tari. Alam ba ninyo, na ang HIGH SPEED STEEL o uri ng bakal na pinuputol ay bakal din. Bakit kailangang ganyang kalidad ng bakal ay napakalambot ng katawan ng manok? Ang sagot sa akin ni Carlo ay, ganyan ang taas ng antas ng sabong sa ating bansa na kung kailangang gumamit ng mahal na bakal ay gagawin upang magkaroon ng lamang sa laban.
Ilang halimbawa ng mga bakal na gawa ng mga magagaling na pabrika sa EUROPA ay ginamitan pa ng siyensiya at mga dalubhasang metallurgist. Nakagugulat na ito mismo ang ginagamit na bakal para sa mga tari. KARNASCH, KINKELDER, SOLINGEN, DORINGER, MOMAX, TUNGSTEN, HI-MAX, APOLLO GOLD, KOMET, ECLIPSE, ULTIMAX, SCOTCHMAN and more. Mga bakal na gawa sa GERMANY, HOLLAND, ITALY, FRANCE, SPAIN at mga dekalidad na bakal na gawang Japan. Ang mga bakal pong ito ay ginagamit para pumutol ng cast iron, stainless steel, pipe, rod at iba pa.
Kaya ko po binanggit ito ay sa kadahilanang ang paniwala ng mga sabungero at mananari ay malinaw na kalamangan ang may ganitong sandata. Matibay, matalas hindi marupok at matagal na gagamitin. Kada manok ay kinakasahan ng tari sa kanilang kaliwang paa sa tuwing sila ay ilalaban. Dapat na ang taring ikakabit ay hindi mababali o madaling mawala ang talas dahil ayon sa mga sabungero, ang tari ay isang mahalagang parte ng laban na maaaring ikatalo o ikapanalo ng sabungero. Kaya ganyan na lamang ang OBSESSION ng bawat sabungero na gumamit ng taring pinakamataas ang kalidad na ‘di alintana ang halaga nito.
Si Carlo Nicolas ay isang sabungerong namayagpag at umigi ang buhay dahil sa paggawa na tari, isang simpleng negosyo subalit napakalaking oportunidad ang hatid nito. Ngayon si Carlo ay magtatayo na rin ng kanyang eskuwelahan na magtuturo ng pagtatari at paggawa ng tari. Ito ang kanyang adbokasiya, ang magbigay ng hanapbuhay sa mga sabungerong mahilig sa pagtatari.
Sa mga gustong sumangguni at matuto ng pagtatari at paggawa ng tari, si Carlo ay maaaring tawagan sa 0977 364 2983 at bisitahin sa kanyang FB account CARLO TARI MAKER. Sa mga gustong bumili ng kanyang mga tari, pumunta po kayo sa WORLD GAMEFOWL EXPO na gaganapin sa ENERO 18, 19 at 20, 2019. Maraming iba’t ibang uri ng tari, bakal at accessories ang mabibili ninyo rito.
Comments are closed.