MMDA, PNP FULL ALERT SA CARMAGEDDON SA EDSA

trapik

HABANG papalapit ang araw ng Pasko ay inaasahan na ang “carmageddon” o ang matinding trapik dahil sa pagdasa ng mga huling hirit na shopping at ang exodus ng milyon-milyong Filipino tungo sa mga probinsiya

Maagang  nag-deploy ng mga tauhan ang Department of Transportation (DOTr), Philippine National Police  at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) bunsod  ng mas matinding  daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan.

Nagtalaga rin ng may 8,000 mga pulis si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Director Guillermo Eleazar  upang tiyakin ang seguridad sa mga mall, simbahan at transportation hubs.

Inaasahang kasunod ng pagtatapos ng Christmas parties ay magsisimula nang dumagsa ang maraming Pinoy sa mga paliparan, pantalan at mga bus terminal kaya kaakibat nito ang “carmageddon” o delubyong trapik.

May  182 traffic enforcers ang ipinakalat para asistehan ang mga pasahero at mga moto­rista sa mga  bus station at  mga  mo-torista na bumibiyahe sa EDSA at iba pang major thoroughfares.

Kabilang sa mga tinututukan  ang Marcos Highway kung saan apat na mall ang matatagpuan; C-5; Roxas Boulevard; Com-monwealth Avenue sa Quezon City.

Nagsagawa rin ng pagsusuri ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa major  bus terminals para silipin ang kondisyon ng kanilang mga sasakyan at mga driver nito.

Nagbabala rin ang Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG), sa mga komyuter at mga motoristang mag-sisibiyahe. “More vehicles on the road, more people in the streets, mas maraming sakuna,” ani PNP-HPG director Chief Supt. Rob-erto Fajardo Jr.

MAGBAON NG MAHABANG PASENSYA- NEBRIJA

INABISUHAN ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Task Force Special Operations at EDSA Traffic Czar Bong Nebrija ang mga motorista na magbaon ng mahabang pasensiya.

Ayon kay Nebrija, inaasahang mararamdaman ang matinding epekto ng traffic congestion simula mamayang hapon o rush hour hanggang gabi.

Batay sa monitoring ng MMDA, umaabot na lamang sa average na 14 kilometers per hour ang bagal ng mga sasakyan sa ED-SA at posibleng bumagal pa sa mga susunod na oras.

Inaabot na ng tatlo hanggang apat na oras ang biyahe sa magkabilang dulo ng EDSA o mula Monumento, Caloocan City hang-gang Pasay City pabalik kapag malapit na ang Pasko.

Sa datos ng MMDA data, mahigit 400 sasakyan ang dumaraan sa EDSA kada araw kumpara sa capacity ng kalsada na 288,000 vehicles. VERLIN RUIZ

Comments are closed.