CARMINA ‘DI HAHADLANG SA PAG-AARTISTA NG MGA ANAK

CARMINA VILLARROEL

SUPORTADO ni Carmina Villarroel ang pag-aartista ng kanyang kambal na sina The pointMavy at Cassy.

Katunayan, kung magde-decide raw ang mga itong gawing career ang pag-aartista, hindi raw sila hahadlang ng kanyang esposong si Zoren.

“Basta, mag-aral din sila. Sa ngayon naman, meron silang show sa GMA na Sarap Di Ba?’ Basically, they are working students. Sa kanila, kung gusto nila, let’s  see. Kung ano iyong  dumating at kung ano iyong kakayanin nila, doon lang muna,” bungad ni Carmina.

Tsika pa niya, noong una raw ay walang hilig ang mga ito na mag-artista.

“Kasi, lumaki silang gumagawa kami ng commercial, so talagang na-expose sila. Noong una, parang ayaw-ayaw pa nila, pero eventually, na-enjoy din nila at na-develop din nila iyong love sa ginagawa nila. Kami naman ni Zoren, supportive kami sa kanila, basta huwag lang nilang kalilimutan ang kanilang pag-aaral,” ani Carmina.

Hirit pa niya, given the right project at makapag-workshop, nakikita niyang puwedeng mag-shine si Cassy sa drama samantalang si Mavy daw naman na tulad niya na isang bungisngis ay puwedeng mag-host at mag-excel sa pagsasayaw.

Big movie comeback ni  Carmina Villarroel ang pelikulang “Sunod” na kalahok sa 2019 Metro Manila Film Festival.

Gagampanan niya rito ang papel ng isang ina na gagawin ang lahat para protektahan ang kanyang anak.

Huling filmfest entry niya noon ang “Shake, Rattle and Roll 2” na pinagbidahan niya  noong dalaga pa siya kaya aminado siyang na-miss niya ang paggawa ng pelikula para sa taunang piyesta ng pelikulang Pilipino.

Ayaw naman niyang isiping blessing in disguise ang  hindi pagkakapasok ng  entry ng kanyang  ninang sa kasal na si Kris Aquino na Kampon na pinalitan ng kanyang pelikulang Sunod.

“I can only speak for my movie Sunod and not for Kampon kasi she’s my ninang. I don’t wanna say anything about that. Pero, sa pagkakaalam ko kasi,may grading system kung sino ang pasok at sino ang hindi. Apparently after Kampon, kami iyong sunod sa grading kaya kami ang ipinalit nila,” kuwento ni Carmina.

Hindi rin daw nakikipagkumpentensiya sa kanyang ninang dahil magkaiba naman ang kanilang pelikulang pinag-uusapan.

Kabituin ni Carmina sa  “Sunod” sina  Mylene Dizon, JC Santos, Susan Africa, Krystal Brimner, Rhed Bustamante, Kate Alejandrino at marami pang iba.

Ang “Sunod” ang kaisa-isang horror entry sa 2019 Metro Manila Film Festival na iprinudyus Ten17P at Globe Studios at idinirehe ni Carlo Ledesma.

Comments are closed.