CARMINA VILLAROEL AND TWINS MAVY AND CASSY LEGASPI IPINALIT KAY REGINE

CARMINA VILLAROEL AND TWINS

DAHIL nag-ober da bakod na si Regine Velasquez, pinalitan agad ng GMA7 ang host ng programangbuzzday Sarap Diva ng bagong konsepto na pati ang huling salita ay naiba rin na naging Sarap Di Ba?

This program is hosted by no less than celebrity mom, actress and TV host Carmina Villarroel together with her talented twins Mavy and Cassy Legaspi.

Balik-hosting si Carmina and this time, kasama ang kanyang kambal sa isang family-oriented program.

Ipapakita ni Carmina, being the Gen X mom ang mga topic about family, food and fun activities. Maraming makukulay na bahagi ng family ni Carmina ang puwedeng maka-relate at makapagbigay ng inspirasyon sa mga manonood lalo na on how to strengthen relationship among family members. The show will be a platform for bridging gaps between parents and children.

Dahil millennials at Gen Z teens, susuporta ang kambal ni Carmina na sina Mavy at Cassy who will turn 18 soon, tungkol sa latest trends in music, pop culture, fashion, and technology.

Alam naman ng lahat how Carmina has successfully raised her kids for almost 18 years now, how she and husband Zoren have been supportive of their twins kaya ideal ang mag-iina to host the program.

Hindi man siya masasabing millennial, pero nakaka-cope siya sa mga lengguwahe ng mga kabataan ngayon dahil pinakikinggan niya ang kanyang mga anak.

Mistulang kapitbahayan ang magiging eksena ng show kung saan may kuwentuhan tungkol sa buhay-buhay ng guests at habang may kuwento ay may pagkain, sharing of interests, and the twins will be sharing what they actually care about—video blogs, current trends, aya covered ang lahat ng age group.

The fun-filled Saturday mornings of Sarap, ‘Di Ba? with the whole family begins this October 20 at 10:45 am on GMA  after Maynila.

Get the latest updates about Sarap ‘Di Ba? from its official Facebook page www.facebook.com/SarapDiBaGMA, and Instagram and Twitter accounts @SarapDiBaGMA.

Kapuso viewers from across the globe can also catch their favorite Kapuso shows via GMA’s international channels GMA Pinoy TV, GMA Life TV, and GMA News TV International. For the program guide, visit www.gmapinoytv.com.

Comments are closed.