CARMONA CITY APRUBADO NA NI PBBM

APRUBADO na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagiging lungsod ng Carmona sa Cavite.

Nilagdaan na ng Pangulo ang Republic Act No. 119381, o mas kilala bilang “An Act Converting the Municipality of Carmona in the Province of Cavite into a component city to be known as the City of Carmona.”

Kabilang sa mga lumagda sa RA 119381 ay sina Senate President Juan Miguel Zubiri at House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Ipinasa ng 19th Congress noong Hulyo 25, 2022 sa unang regular na sesyon nito, ang RA 119381 ay mag-aatas sa Munisipyo ng Carmona na magsagawa ng plebisito sa loob ng 60 araw mula sa pag-apruba ng batas.

Binanggit din ng RA 119381 na “ang kasalukuyang mga halal na opisyal ng Munisipalidad ng Carmona ay magpapatuloy na gamitin ang kanilang mga kapangyarihan at tungkulin hanggang sa panahon na ang isang bagong halalan ay gaganapin at ang mga nahalal na opisyal ay dapat nang maging kuwalipikado at maupo sa kanilang mga katungkulan.”

“Appointive officials and employees of the Municipality of Carmona shall, likewise, continue exercising their functions and duties and they shall automatically be absorbed by the City Government of the City of Carmona,” sabi sa batas.

Nakasaad sa batas na walang tataas sa mga rate ng lokal na buwis sa loob ng limang taon mula sa pagiging lungsod ng Carmona.

“Until otherwise provided by law, the City of Carmona shall continue to be part of the Fifth Legislative District of the Province of Cavite,” sabi pa sa batas.

Magkakabisa ang batas 15 araw pagkatapos nitong mailathala sa opisyal na Gazette o sa isang pahayagan ng pangkalahatang publikasyon. EVELYN QUIROZ