CARPARK FEES, PINARE-REGULATE NG KAMARA

CAR PARK

PINARE-REGULATE  ng Kamara ang mga itinatakdang presyo ng mga may-ari ng carpark sa harap na rin ng ipinapataw na mataas na singil dito.

Ngayong 18th Congress ay muling inihain sa Kamara ang House Bill 1037 ni Paranaque Rep. Joy Myra Tambunting na layong i-regulate ang ipina-pataw na parking fees kabilang na ang mga shopping mall at government institutions.

Bukod sa regulasyon sa mga parking fees ay pinatitiyak sa mga carpark operator ang proteksiyon at kaligtasan ng mga nakaparadang sasakyan.

Aalisin na rin ang hindi makatuwirang polisiya na matagal nang iginigiit ng mga carpark owner na wala silang pana-nagutan sakaling nagkaroon ng sira, na-carnap o nawalan ng gamit ang loob ng sasakyan.

Magtatalaga naman ng parking spaces para sa mga persons with disabilities.

Mababatid na ilang panukalang batas na rin ang naihain noon sa Kamara na may kinalaman sa carpark regulations.  CONDE BATAC

Comments are closed.