CARROT: GINAMIT SA PAG-PROPOSE

CARROT-3

(ni KAT MONDRES)

HINDI basta-basta ang pagpo-propose. Kailangan itong pag-isipan at pag­planuhang mabuti. Dapat ay maging espesyal at kakaiba.

Ganyan ang ginawa ni John Neville ng Canada nang mag-propse sa kanyang girlfriend na si Danielle Squires.

Anim na taon nang nagsasama sina Danielle at John nang maisipan ng lalaki na mag-propose. Nang mabuntis si Danielle sa ka-nilang anak na lalaki, naisip ni John na bumili ng diamond engagement ring. Naghanap lamang siya ng magandang tiyempo para makapag-propose.

Noong June, napag-isipan na rin ni John ang matagal na niyang plano at gusto niya nang totohanin ang proposal.

Kinuha niya ‘yung singsing at dinala sa kanilang garden. Doon niya naalala ang balita tungkol sa isang babae na nahanap ang kanyang nawawalang diamond ring sa carrot noong siya’y nagga-garden sa likod ng bahay.

Ito ang ginawang ins­pirasyon ni John para sa kanyang proposal. Gusto niyang tumubo ang carrot sa loob ng singsing.

Una, pinuno niya ng lupa ang limang galon na plastic bucket at binaon ang singsing sa gitna. Gumamit siya ng lapis para mak-agawa ng butas pa­punta sa singsing at ma­ging palatandaan na doon tutubo ‘yung carrot. Nilagay niya ‘yung carrot seeds at nag-antay ng 90 na araw.

Makalipas ang 90 na araw, niyaya ni John si Danielle at ang anak nila para tumulong sa pag-harvest. Binunot ng anak nilang si Eric ang dulo ng bucket at napansin ni John na maganda ang  pagkakahulma ng carrots. Tinawag niya si Danielle at sinabi na kung puwedeng hilahin niya palabas ang carrot na nasa gitna. Nang mga sandaling iyon ay wala ring kaalam-alam si John kung tumubo ba ‘yung carrot sa loob ng singsing. Sumugal na lamang siya.

Noong nakalabas na ‘yung carrot, lumuhod si John at nagtanong kay Danielle ng:  “I love you. Will you marry me?”

Nagtaka si Danielle at doon lamang niya napagtanto na ‘yung carrot na hawak niya ay may kasamang engagement ring. Naging perpekto ang plano ni John at nakakuha ng atensiyon sa publiko. (photo mula sa washington.post)

Comments are closed.