CARTOONS SA QUARANTINE NI IBARDO

Irene Ibardo

IBA-IBANG tema ang mga caricature  ng artist na si Irene Ibardo sa binuksang exhibit nito sa Pasig City Museum nitong Marso 13 na ang titulo ay Quarantoon.

Ang kakaiba sa  iginuguhit na cartoons  nito ay  puro entertaining dahil ayaw niya ng bashing o pagbanat.

Nakaeengganyong tingnan at basahin ang mga teksto ng caricature na may mga temang Quarantoon, Hugot Series  at  Harot Series.

Apat na taong gulang pa lamang ay nakahiligan na ni Irene ang pagguhit. Kakaiba sa ibang mga bata, nakahiligan nito ang paghawak ng lapis at papel hanggang sa lumitaw ang husay nito.

Tamang pang-display sa mga cafe o mga tahanan ang mga iginuhit ni Ibardo na sa biglang tingin ay hindi lamang  entertaining  kundi may lalim. SCA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *