SA nagdaang 10 taon, dinagsa ng turista ang natutulog na bayan ng San Antonio, Zambales, gayundin ang mga natatago nitong coves. Isa sa dinadayo dito ang Casa San Miguel na itinayo pa noong 1921.
Sa gitna ng 15-ektaryaang manggahan – kung saan ginanap ang shooting ng Forevermore nina Jericho Rosales at Christine Hermosa, nakatayo ang isang family retreat house na natatago sa kabihasnan ngunit inalagaan ng napakaraming henerasyon ng talent, kasama ang acclaimed concert violinist na si Alfonso “Coke” Bolipata.
Noong 1993, naitatag ang Casa San Miguel Foundation, na naglalayong isama ang kultura at community development sa Zambales. Nagsagawa sila ng araming programa ay workshops upang hasain at ipakita ang pagkamalikhain ng mga tagaroon.
Maikli lamang ang hagdang patungo sa Museum of Community Heritage, kung saan ipinakikita ang mayamang pamana ng Barangay San Miguel at ng bayan ng San Antonio. Makikita sa museo ang mahabang kasaysayan ng bayan pati na ang kanilang kulturag nagbago na sa pagdaan ng panahon. Ang iba sa exhibit na makikita ay mga banga mula pa sa Ming Dynasty, na nakuha sa mga lumubog na barko sa mgfa kalapit-baryo ng Pundaquit at Santa Cruz. May mga larawan din ng mga mangingisda na kuha ni Filipino veteran photojournalist Nico Sepe, at mga lumang larawan ng Aetas na kuha naman ni American anthropologist William Allen Reed. Kasama rin sa makikita ang koleksyon ng mga traditional fishing equipment at iba pang artifacts. JVN