CASCOLAN BAGONG PNP CHIEF

Cascolan

WELCOME sa police force ang pagkakatalaga kay Lt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan bilang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP) na epektibo ngayong araw.

Nauna rito,  inanunsiyo ni Presidential Spokesman Harry Roque na si Cascolan ang pansamantalang mamahala sa PNP kasunod ng pagreretiro ngayong araw din ni  PNP Chief Gen. Archie Francisco Gamboa.

Subalit, kahapon ay nilagdaan na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang  appointment ni Cascolan bilang   bagong PNP chief.

Agad na tiniyak naman ni PNP Spokesperson Brig.Gen Bernard Banac na buo ang suportang ibibigay kay Cascolan bilang OIC upang maipagpatuloy ang pagtupad sa kanilang tungkulin sa harap ng pandemya at banta ng terorismo.

Dagdag pa ni Banac, sa kakayahan at expertise ni Cascolan, matatag ang kanilang paniniwala na maipagpapatuloy nito ang pagtiyak sa peace and order, paglaban sa krimen, terorismo, kalakalan ng iligal na droga at maging sa korapsyon.

Bitbit umano nito ang kakayahan sa pamumuno na hinubog sa karanasan sa field operations at strategic management.

Si Cascolan ay mistah ni Gamboa sa PMA Sinagtala Class of 1986 at nakatakdang magretiro sa Nobyembre ngayong taon. EUNICE C.

Comments are closed.