CAMP CRAME – PANSAMANTALANG pangungunahan ni Lt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan, PNP Deputy Chief for Administration ang Philippine National Police (PNP) habang nagpapagaling si PNP Chief, Gen. Archie Francisco Gamboa na nasugatan sa pagbagsak ng 8-seater Bell 429 chopper, kasama ang pitong iba pa sa San Pedro Laguna.
Ito ang kinumpirma ni Interior Secretary Eduardo Año at sinabing awtomatikong si Cascolan ang officer-in-charge dahil number 2 in command ito sa PNP.
“Cascolan will be the officer-in-charge of PNP until Gamboa returns to full duty status,” ayon kay Año.
Kahapon nang maganap ang insidente ay isa si Cascolan sa nagresponde at nakausap na rin nito si Gamboa.
Si Cascolan na dating nagsilbing director ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ay mistah nina Gamboa, dating PNP chiefs, Oscar Albayalde at Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa sa Philippine Military Academy –(PMA) Sinagtala Class of 1986. Samantala, sinabi naman sa isang panayam ni Gamboa na back to office siya sa susunod na linggo. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.