Sa layuning higit pang palakasin ang pagpapatupad ng mga environmental laws sa Pilipinas, naglabas si Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla ng Department Circular No. 020-B nitong Setyembre 10 na pormal na isinasama sa pro-active case-build up ang mga paglabag sa penal laws na may kinalaman sa kalikasan tulad ng Revised Forestry Code (P.D. 705), Chainsaw Act of 2022 (R.A. No. 9175), Wildlife Resources Conservation and Protection Act (R.A. No. 9147) at Expanded National Integrated Protected Areas System Act of 2018 (R.A. No. 11038) at iba pa.
Ang hakbang na ito ay kasunod ng matagumpay na pagpapatupad ng D.C. No. 020 na inilabas noong Marso 31 2023 na nag-aatas sa lahat ng piskal na aktibong makilahok sa imbestigasyon ng heinous crimes iba pang capital offenses na pinaparusahan ng reclusion perpetua o habambuhay na pagkabilanggo.
“This latest issuance further amending D.C. No. 020 demonstrates the Department’s seriousness in cracking down on environmental crimes that cause serious degradation to nature, thereby infringing on our right to a balanced and healthful ecology. It is our collective responsibility to preserve our existing ecosystems through a proactive stance that will advance environmental justice and the rule of law” pagbibigay-diin ni Remulla.
Sa ilalim ng D.C. No. 020-B, inaasahang makikipagtulungan at tutulong ang mga piskal sa mga law enforcement agencies (LEA) sa yugto ng pagtatatag ng kaso sa imbestigasyon ng environmental crimes.
This will ensure that before cases are filed in court, prosecutors and LEAs are able to prove a prima facie case against violators leading to a reasonable certainty of conviction.
Sinisiguro nito na bago isampa ang kaso sa korte, ang mga prosecutors at LEA ay may sapat na ebidensya upang patunayan ang isang prima facie case laban sa mga violators upang makamit ang tamang hatol sa kanila.
“We need to turn the tide, if we want to reach our common goal of achieving meaningful environmental justice within our lifetime. This requires action from all fronts, including prosecutors and law enforcement alike, by becoming vanguards of environmental protection and conservation for our future generations” dagdag ng Kalihim.
Inaasahan ang agarang implementasyon ng D.C. No. 020-B dahil sa isinasagawang capacity-building trainings ng Department of Justice prosecutors para sa mga law enforcement agencies.
RUBEN FUENTES