ISINUSULONG ngayon ng mga concerned groups na magkaroon ng imbentaryo ang pamunuan ng Philippine National Police ng kanilang mga tauhan na nahaharap sa ibat ibang kaso.
Ito ay matapos na lumutang ang ulat na may ilang case folder ng mga pulis na may kaso ang posibleng nawawala.
Nabatid na bunsod nito, ipinag utos ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Benjamin Acorda Jr., sa lahat ng PNP regional directors na imbestigahan ang report hinggil sa posibleng pagkawala ng mga case folder ng kanilang mga tauhan na sumasailalim sa imbestigasyon.
Ayon kay Acorda, hindi puwedeng basta na lamang mawala ang mga dokumento at kailangang managot ang sinumang custodial ng mga records.
Mariing inihayag ng PNP chief na kung may kapabayaan sa panig ng mga nag-iingat ng dokumento ay may katapat ito mabigat na parusa.
Hiniling ni Acorda sa lahat ng regional director na gumawa ng sistema gaya ng ipinatupad ng National Capital Region Police Office (NCRPO) hinggil sa pag-iingat ng kanilang records. VERLIN RUIZ