CASE SOLVING NG PNP-IAS NASA 99% EFFICIENCY RATE

UMABOT sa 99 porsiyento ang efficiency rate ng pagresolba ng kaso ng Philippine National Police (PNP) Internal Affairs Service (IAS) noong nakaraang taon kumpara sa 2.5% lang noong 2015.

Ito ang ibinida sa Accomplishment Report ng IAS na iprinisinta sa pagdiriwang ng kanilang ika-23 anibersaryo.

Ang pagdiriwang na may temang “IAS@23: Kasangga ng Mamamayan sa Karapatan, Kabalikat sa Pagbabago ng Kapulisan” ay isinagawa sa Multi Purpose Center sa Camp Crame kahapon.

Ang seremonya ay pinangunahan ni PNP Deputy Chief for Administration Lt. General Chiquito Malayo na kumatawan kay PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. at IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo.

Naging panauhing pandangal at tagapagsalita si Surigao Del Sur 1st District Representative Romeo S. Momo Sr.

Ang episyenteng pagresolba ng mga kaso laban sa mga abusadong mga pulis ay resulta ng ipinatutupad na zero-case backlog policy ng pamunuan ng IAS. EUNICE CELARIO