CASH AID DISTRIBUTION DEADLINE POSIBLENG PALAWIGIN NG DILG

DILG-CASH AID

PINAG-AARALAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagpapalawig ng deadline para sa pamamahagi ng local government units (LGUs) ng first tranche ng Social Amelioration Program (SAP) financial assistance sa mahihirap na pamilya.

“Yes, there is a possibility kasi what’s the use of stopping it kung mayroon  pa ring hindi nakatanggap. We will check on that first. I will not give a particular means of sanction. Sabi ko nga, we treat it on a case to case basis,” wika ni DILG Secretary Eduardo Año sa isang press briefing sa Taguig City.

Ayon kay Año, gagawa sila ng assessment ngayong araw para malaman ang mga LGU na nakatapos na ng cash aid distribution, gayundin ang dahilan kung bakit hindi nakatugon sa deadline ang ilang LGUs.

“Remember this is a team effort, it’s a national government effort. Hindi lang sa LGUs ‘yan,” dagdag ng DILG chief.

Gayunman ay tiniyak niya na paiiralin ang due process sa mga lokal na opisyal na mabibigong makatugon sa deadline, tulad ng LGUs sa Metro Manila.

“Among the LGUs, NCR lang talaga ‘yung pinakamalaking problema because kanila ’yung pinakamaraming families who are beneficiaries. In other LGUs, okay naman,” aniya.

Napag-alaman na nasa 828 LGUs na sa buong bansa ang nakatapos ng pamamahagi ng first tranche ng SAP.

Sa nasabing bilang, 56 ang sa Cordillera Administrative Region, 38 sa Ilocos Region, 31 sa Cagayan Valley; 36 sa Central Luzon, 63 sa Calabarzon, 62 sa Mimaropa, 70 sa Bicol region, 114 sa Western Visayas, 52 sa Central Visayas, 95 sa Eastern Visayas, 71 sa Zamboanga Peninsula, 17 sa Northern Mindanao, 26 sa Davao region, 32 sa Soccsksargen, at  65 sa Caraga.

Ang Metro Manila LGUs at ang mga lalawigan ng  Cavite, Rizal, Laguna, Bulacan, at Cebu at ang Davao City, na may malaking  populasyon, ay binigyan ng hanggang ngayong araw, isang  seven-day extension mula sa naunang April 30 deadline, para matapos ang distribusyon. PNA

Comments are closed.