HALOS P1.5 billion na cash assistance ang naipagkaloob na sa overseas Filipino workers (OFWs) na naapektuhan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) crisis, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III.
“Ang naibigay natin, umaabot na sa P1.5 billion sa ating mga OFW na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19,” wika ni Bello.
Ayon kay Bello, nagbigay rin ang ahensiya ng $200 cash aid sa OFWs na hindi nawalan ng hanapbuhay subalit hindi makapagtrabaho dahil sa quarantine measures.
“When they got back to the Philippines, the same amount of cash assistance was converted to P10,000,” ani Bello.
Bukod dito, sinabi ng kalihim na tatanggap pa rin ng ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga OFW na nakatira sa mga lugar na nasa ilalim ngayon ng general community quarantine.
Humiling na rin, aniya, ang DSWD ng P1 billion na dagdag-pondo para maayudahan ang dumaraming OFWs na humihingi ng tulong.
Ayon pa kay Bello, ang ibinigay sa kanilang pondo para sa mga OFW ay P1.5 billion na para sa 150,000 OFWs na kanilang in-estimate.
Subalit umabot, aniya, sa 400,000 na OFWs ang nag-apply para sa ayuda, na mahigit sa 250,000 sa kanilang pagtaya.
“Kaya humingi kami ng dagdag at binigyan naman kami, binigyan tayo ni Pangulong Duterte ng additional P1 billion. Kaya tuloy-tuloy pa rin ang pagbibigay sa ating mga kababayan na nawalan ng trabaho dahil sa COVID.”
Comments are closed.