CASH AID SA WORK-RELATED INJURY, ILLNESS PINATATAASAN NG DOLE

Silvestre Bello III

NANAWAGAN si Labor Secretary Silvestre Bello III sa Employees’ Compensation Commission (ECC) na taasan ang kompensasyon sa mga empleyado na nagtamo ng work-related illness o injury.

Ayon kay Bello, ang ECC ay may mahigit sa P90 bilyong pondo at lubhang napapanahon na dagdagan nito ang cash aid sa mga manggagawa.

Sa kasalukuyan, ang mga empleyado na nahawaan ng COVID-19 ‘in their line of work’ ay tatanggap ng P10,000 cash assis-tance at tutulungan sa kanilang pagpapaospital.

“I was telling them we should give a more reasonable cash assistance, not just P10,000, I don’t think workers will be able to be compensated with that amount,” sabi pa ni Bello.

“It’s high time that they should upgrade the assistance because this rate has been going for the past 20 years. So it’s high time we review this cash assistance to a more realistic and practicable rate.”

Ayon kay Bello, ang mga manggagawa ay maaaring maghain ng kanilang claims sa  ECC, ipakita ang ka-nilang employment status at patunayan na nakuha nila ang sakit o naaksidente sa trabaho.

Comments are closed.