CASH ASSISTANCE IPINAMAMAHAGI NA

INANUNSYO ni Manila Mayor Isko Moreno na sinimulan na ng pamahalaang lungsod ang pami­migay ng cash assistance mula national government kaugnay ng implementasyon ng enhanced community quarantine (ECQ) kung saan may mahigpit na bilin na i-post sa social media ang listahan ng beneficiaries.

Ayon kay Moreno, may 380,000 pamilya na magiging recipients ng P4,000 bawat isa kasabay ng pag-atas sa Manila Social Welfare ( MSW)na makipag-coordinate sa mga barangay para sa proseso ng distribusyon nito kasabay ng pasasalamat sa national government sa ipinagkaloob na financial assistance sa mga residente ng lungsod.

Sinabi ng alkalde na bago pa dumating ang pera ay nagsagawa na sila ng pagpupulong ang pamahalaang Lungsod bilang pag­hahanda sa mga hakbang na gagawin upang matiyak na maayos ang distribusyon ng cash assistance sa mga benepisyaryo.

Natanggap ng pamahalaang lokal ng Maynila ang kabuuang halaga na P1,523,270,000 mula sa national government dakong ala- 6:35 ng gabi nitong Lunes at kaagad na naglabas ng executive order si Moreno base sa requirement na itinakda ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Social Welfare at Development (DSWD) at Department of National Defense (DND) para sa agarang pamamahagi nito sa mga barangay.

Gaya ng napagkasunduan, makikipag- coordinate sa mga barangay ang MSW na mag-aabiso sa mga benepisyaryo na hindi na kaila­ngang lumabas kung wala ang pangalan sa listahan.

Binigyang diin ni Moreno, kapag naging magulo ang bigayan ng cash aid ay ihihinto ang pamamahagi.

“Hindi kailangang mag-unahan. Pag wala sa lista, ‘wag muna pumila. Ititigil namin ‘yan pag nag-unahan kayo. Hihintayin namin kung kelan kayo magbe-behave,”giit ni Moreno.

Ayon sa alkalde, dahil sa napakaraming recipients ay kailangang gawing sistematiko ang distribusyon pero hindi sabay-sabay o biglaan lalo na nasa ilalim ng ECQ ang Maynila, ang pagdagsa ng tao ay mangangahulugan ng community transmission ng coronavirus.

“Ang amount per family is P4,000 at ipo-post ang be­neficiaries araw-araw sa a­king page para walang magka-tolonggesan,” ani Moreno.

Ipinaliwanag pa, pinagpilian kung in kind o in cash ang ibibigay at ang pinili ng alkalde ang cash dahil nagbibigay ng mga panga­ngailangang pagkain ang lungsod sa kanilang residente sa ilalim ng food security program.

Bukod pa rito, sinabi ng alkalde na ang bawat pamilya ay may kanya-kanyang pa­ngangailangan kung kaya’y makabubuti na bigyan ito ng cash para mabili nila kung ano ang dapat nilang unahin. VERLIN RUIZ

3 thoughts on “CASH ASSISTANCE IPINAMAMAHAGI NA”

  1. 962345 974773Hello, you used to write excellent, but the last several posts have been kinda boringK I miss your super writings. Past few posts are just a little out of track! come on! 415590

  2. 320350 973332We are a group of volunteers and opening a new scheme in our community. Your internet website given us with valuable info to work on. Youve done an impressive job and our entire community will probably be grateful to you. 994521

Comments are closed.