CASH BONDS SA IMPORTED CERAMIC TILES

ceramic tiles-1

IPINAG-UTOS ng Bureau of Customs (BOC) ang pangongolekta ng cash bonds sa  imported ceramic tiles sa harap ng pagbaha ng naturang mga produkto na nag­resulta sa pagbagsak ng kita ng mga local producer.

Sa ilalim ng Customs Memorandum Order 28 – 2019 na nilagdaan ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero, ang BOC ay nakatakdang mango­lekta ng cash bonds na P3.00 per kilogram ng imported ceramic tiles.

“It was determined that the domestic industry has suffered serious injury caused by the increased importation of ceramic floor and wall tiles,” nakasaad sa memorandum order.

“In pursuit of this goal and in the public interest, the State shall provide safeguard measures to protect domestic industries and producers from increased imports, which caused or threaten to cause serious injury to those domestic industries and products,” dagdag pa nito.

Ayon sa Department of Finance (DOF), base sa datos ng Department of Trade and Industry (DTI), ang pagbuhos ng imported tiles ay nagpabagsak sa market share ng locally produced products sa 15% noong 2017 at 2018 mula sa 96% noong 2013.      Ang kautusan ay magka­kabisa 15 araw makaraang malathala ito sa dalawang pahayagan na may general circulation.

Ang BOC ay nakakolekta ng mahigit sa P585.542 billion noong 2018, kung saan natamo nito ang 100.1%  ng P584.881-billion collection target nito para sa taon.

Comments are closed.