CASH, FOOD SUBSIDY SA 4K FARMERS

MAY KABUUANG 4,009 magsasaka sa Region 12 ang tumanggap ng tig-P3,000 cash aid at food items na nagkakahalaga ng P2,000 mula sa Department of Agriculture (DA) 12.

Ang naturang ayuda ay pinondohan sa ilalim ng Cash and Food Subsidy for Marginal Farmers Fisherfolk (CFSMFF) Program ng DA 12.

Ang farmer-beneficiaries ay nagmula sa mga bayan ng Bagumbayan, President Quirino at Columbio sa Sultan Kudarat Province, at Kidapawan City, Pigcawayan, Pikit, Makilala at Midsayap sa North Cotabato.

Ang pamamahagi ng ayuda ay pinangasiwaan ng Agribusiness and Marketing Assistance Division and Corn Program sa pakikipagpartner sa Philippine Coconut Authority (PCA).

4 thoughts on “CASH, FOOD SUBSIDY SA 4K FARMERS”

Comments are closed.