CASH, FUEL SUBSIDIES SA PUV OPERATORS

CASH AND FUEL

MAKATATANGGAP ang public utility vehicle operators ng cash at fuel subsidies mula sa Bayanihan 2 allotment, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Sinabi ni LTFRB Chairman Martin Delgra III na sa ilalim ng Bayanihan 2 ay may nakalaang pondo ang Department of Transportation (DOTr) para sa mga apektadong industriya tulad ng transport sector.

Iminungkahi rin ng DOTr ang pag-waive ng ilang regulatory fees na ipinatutupad laban sa ilang PUVs.

Ayon kay Delgra, ito  ay maituturing na tugon sa panawagan ni Provincial Bus Operations Association of the Philippines Director Alex Yague.

Magugunitang nagpalabas ng Memorandum Circular ang LTFRB kung saan pinapayagan na nito ang muling pagbiyahe ng 286 buses sa ilang ruta papasok at palabas ng Metro Manila at maging sa Region 3 at Region 4-A.

Comments are closed.