CASH GRANTS SA APEKTADO NG QUARANTINE

Senador Sonny Angara-4

PINABABA­LANGKAS ni Senador Sonny Angara ang mga ahensiya ng pamahalaan, partikular ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), ng mga pamamaraan upang agarang mabigyan ng cash grants at iba pang benepisyo ang mga pamilyang apektado ng ipinatutupad na enhanced community quarantine.

Ayon kay Angara, sa kasalukuyang sitwasyon ay maraming tao na ang nagiging desperado at nangangailangan ng katiyakan mula sa gobyerno na hindi sila mapababayaan  at maibibigay ang kanilang mga pangangailangan.

“We must ensure the uninterrupted implementation of programs such as the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), which are even more criti-cal to marginalized families at this time when most likely some, if not all, of their members are not being paid any wages,” wika ni Angara.

Binigyang-diin ng senador na sa ilalim ng 2020 General Appropriations Act, may kabuuang P108.765 billion ang inilaan sa DSWD para sa 4Ps program.

Bukod sa 4Ps, ang  DSWD ay nagkakaloob din ng social pension sa indigent seniors na pinaglaanan ng P23.184 bilyon sa ilalim ng 2020 budget at unconditional cash transfer na may P36.488 bilyong pondo.

Comments are closed.