DAPAT bigyan ng cash incentives ang mga nasa edad 80 hanggang 90.
Ito ang isinusulong ni detained senator Leila De Lima sa panukalang batas na magbibigay ng cash incentives sa mga matatandang nasa edad na aabot sa 80 hanggang 90 taong gulang.
Nakapaloob sa panukala na ang nasa 80 taong gulang ay dapat bigyan ng P10,000 na incentive at karagdagang P10,000 pa ang makukuha kapag sumapit ang 90 taong gulang.
Sa kasalukuyang batas, ang mga senior citizen lamang na umaabot sa 100 taong gulang ang binibigyan ng P100,000 incentives.
Ngunit ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), madalas na hindi naibibigay ang naturang incentive dahil hindi naman umaabot sa edad na 100 ang mga senior citizen. VICKY CERVALES
Comments are closed.