CASH INCENTIVES SA 9 CENTENARIANS

KINILALA ng Valenzuela City local government unit (LGU) ang siyam na centenarian na nabigyan ng mahabang buhay na nakaukit sa kasaysayan ng siyudad ang nakatanggap ng cash incentives.

Ang lokal na pamahalaan ay namimigay ng cash incentives sa mga centenarian na residente ng lungsod mula noong 2016 sa bisa ng Ordinance No. 300 o ang “Centenarian Ordinance of Valenzuela City”na mula sa P20,000 bawat isa, itinaas ito sa P50,000 noong nakaraang taon alinsunod sa pag-amiyenda sa Ordinance No. 652.

Ang cash incentive na ito ay iba sa insentibong natatanggap ng mga centenarian mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung saan makakakuha din sila ng P100,000 bawat isa base sa Centenarians Act of 2016.

Maliban sa P50,000 cash incentive, makakatanggap din ang mga centenarian ng food packs at vitamins mula sa Alliance of Senior Citizens of Valenzuela City.

Sa siyam na centenarians, dalawa na ang pumanaw ngayong taon ngunit nakatanggap pa rin ng kanilang cash incentives dahil qualified pa rin sila at maaaring gawaran ng posthumously.

Batay sa tala ng lungsod, mayroon pitong buhay pa na centenarians – tig-isa mula sa Barangay Coloong, Wawang Pulo, Mapulang Lupa, Malinta, at Ugong, at dalawa mula sa Barangay Karuhatan.

“I send my regards to our dear centenarians at home… Let this cash incentive from your city government help you sustain your needs as you further reach your golden years. You are a part of Valenzuela City’s history and this incentive is our way of saying ‘thank you’ as we celebrate your life here in Valenzuela City,” ani Mayor Rex Gatchalian.

Samantala, pinaalalahanan ng alkalde ang mga kaanak ng mga benepisyaryo gayundin ang bawat Valenzuelano na pabakunahan ang mga senior citizen laban sa COVID-19 para sila ay maprotektahan dahil sila ay madaling mahawaan ng virus. VICK TANES