PINAGKALOOBAN ng lokal na pamahalan ng Muntinlupa ng insentibong pananalapi ang 30 estudyante na mga nagtapos sa kanilang pag-aaral sa iba’t-ibang kolehiyo at unibersidad ng ‘with honors’ o may karangalan.
Kasabay nito, pinuri ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon ang 30 scholars ng lokal na pamahalaan na nagtapos ng pag-aaral na kinabibilangan ng 2 summa cum laude, 15 magna cum laude, at 13 cum laude.
Sa isang simpleng seremonya matapos ang kanyang talumpati ay mismong si Biazon ang kumuha ng kanilang ‘selfie’ shot kasama ang mga scholar ng lokal na pamahalaan.
Kapwa nagtapos ng summa cum laude sina Trubby Evasco Jr. ng University of the East (UE) at Blaizah Mae Salvatierra ng Adamson University (AdU) na nakatanggap ng tig-P30,000 cash.
Ang 15 estudyante na nagtapos bilang magna cum laude na tumanggap naman ng tig-P20,000 cash ay sina Vincent Julius Buenavidez ng Lyceum of Alabang; Allen May Eduarte, San Beda College (SBC); Krishna Nicole Fagara, Adamson University (AdU); Tricia Lois Guevarra, Far Eastern University-Manila (FEU); Rodellyn Viara Llyod Marquez, Lyceum of Alabang; Elisha Natividad, San Pedro College of Business Administration (SPCBA); James Alec Ocampo, Far Eastern University-Manila (FEU); Shaira Mae Omega, San Beda College-Alabang (SBC); Jewel Ian Padilla, San Bed College (SBC); Shiela Mae Pamesa, Marianum College; Nicole Ramirez, Adamson University (AdU); Jaycee Mae Rufino, Far Eastern University (FEU); Paulynne Marie Santos, University of Sto. Tomas (UST); Ralph Reindell Sicat, Emilio Aguinaldo College (EAC); at Trixie Maeve Simon ng UST.
Ang 13 estudyante naman na mga nakatanggap ng P10,000 dahil sa kanilang pagtatapos bilang mga cum laude ay sina Raphael Matthew Aquino, Far Eastern University (FEU); Malyn Aratea, Tarlac State University (TSU); Steffanie Keith Arciaga, San Beda College-Alabang (SBC); Jose Peregrine Argana, De La Salle University (DLSU); Lorraine Hanilyn Dela Cruz, San Bed College (SBC); Vince Adrian Ilagan, University of Sto. Tomas (UST); Ponciano Lumabi, Colegio de Muntinlupa (CDM); Jaira Memorias, San Beda College-Alabang (SBC); Dana Clara Mercado, University of Sto. Tomas (UST); Angelica Payte, San Pedro College of Business Administration (SPCBA); Rouela Sandico, University of the Philippines-Los Banos (UP); Ma. Isabelha Tayactac, San Pedro College of Business Administration (SPCBA); at Jayvee Villadelrey ng Colegio de Muntinlupa.
Bukod pa sa perang natanggap ng scholars ng lungsod ay pinagkalooban din ang mga ito ng medalya at certificates of recognition ng lokal na pamahalaan. MARIVIC FERNANDEZ