PUWEDE pa rin ang cash payment sa mga tollway at hindi huhulihin o pagmu multahin ang mga motoristang wala pang radio fre quency ID sticker.
Ito ay makaraang palawigin ng Toll Regulatory Board (TRB) ang transition period para sa cashless toll system upang bigyan ng dagdag na panahon ang mga motorista na wala pang RFID.
Ang RFID sticker ay kailangan para sa cashless payment sa mga toll gate.
Ayon kay TRB spoksperson Julius Corpuz, makatutulong din ang extension para masolusyonan ng mga toll operator ang ilang problema sa sistema ng cashless system tulad ng real-time reloading.
Magugunitang inatasan ng pamahalaan ang mga toll company na gawing mandatory ang cashless payment sa mga toll gate para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Gayunman ay inireklamo ng ilang motorista ang mga aberyang kaugnay ng RFID tulad ng problema sa pagre-reload at hindi mabasa na sticker sa toll na nagiging sanhi ng pagsisikip ng trapiko.
Comments are closed.