UAE – BAGAMAN mura ang bilihin sa ibang bansa gaya ng damit, sapatos, bag at gadgets, hindi ang mga ito ang nais ipadala ng overseas Filipino workers (OFWs) sa kanilang mga pamilya sa Filipinas.
Ito, ayon sa personal interview sa ilang mga OFW, ay dahil mas nais ng mga manggagawang migrante na cash o pera ang kanilang maipadala o maiuwi sa bansa.
Hindi rin naging balakid sa pagpapadala ng pera ng OFW ang sumirit na inflation rate na 6.7 percent o mabilis na paggalaw ng presyo ng bilihin at ng bayarin.
Gayunman, ang ilan ay hindi aware sa sumirit na inflation rate at sa halip ay idinahilan na matagal ang pagpapadala ng Balikbayan box o kahon na iba’t ibang stuff na ipinadadala ng mga OFW at maging ang mga nasa abroad sa kanilang mahal sa buhay sa Filipinas. EUNICE C.
Comments are closed.