LUMOBO ang remittances mula sa overseas Filipinos noong Hulyo, subalit hindi ito sapat para mapunan ang year-to-date losses, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Sa datos ng BSP, ang cash remittances —ang money transfers na ipinadaan sa mga bangko — ay may kabuuang $2.783 billion noong Hulyo, ang pinakamataas sa kasalukuyan.
Mas malaki ito kaysa $2.465 billion noong Hunyo, at mas mataas ng 7.8% kumpara sa $2.581 billion noong Hulyo 2019.
Tumaas din ang personal remittances — ang kabuuan ng transfers na ipinadala ng cash o in-kind via informal channels — ng 7.6% sa $3.085 billion mula sa $2.867 billion noong nakaraang taon.
“The growth was attributed to the 12.6% increase in remittances from land-based workers with contracts of one year or more,” ayon sa central bank.
Ang remittances mula sa land-based workers ay tumaas sa $2.467 billion $2.192 billion noong Hulyo 2019, ang padala ng sea-based workers ay bumaba ng 9.2% sa $557 million mula $613 million.
Yearto-date, ang cash remittances ay bumaba ng 2.4% sa $16.802 billion mula $17.219 billion, habang ang personal remittances ay bumagsak ng 2.4% sa $18.658 billion mula $19.119 billion.
Sa country sources, ang remittances mula Enero hanggang Hulyo ay tumaas sa United States, Japan, Singapore, Qatar, at Taiwan.
Naitala naman ang pagbaba sa Saudi Arabia, UAE, Germany, Kuwait, at United Kingdom.
Ang United States ay bumubuo sa 40.1% ng year-to-date remittances, sumusunod ang Singapore, Saudi Arabia, Japan, United Kingdom, United Arab Emirates, Canada, Qatar, Hong Kong, at Taiwan.
Nauna nang sinabi ng BSP na maaaring bumaba ang remittances ng hanggang 5 percent ngayong taon dahil ss COVID-19 pandemic.
Comments are closed.