CASHIER NG GASOLINAHAN SUGATAN SA LASING NA SEKYU

ligaw na bala

MALABON CITY –SUGATAN ang isang dalaga na cashier ng isang gasolinahan matapos tamaan ng ligaw na bala mula sa service firearm ng la­sing na duty security guard kamakalawa ng gabi.

Inoobserbahan na sa Valenzuela City Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala sa katawan si Kharen Barcenilla, 31, ng 286 Mithi St., Brgy. 24, Caloocan City.

Nakapiit naman habang nahaharap sa kaukulang kaso ang suspek na nakilalang si Manuel Mondejar Jr., 39, security guard, at residente ng 460, Catmon.

Sa imbestigasyon nina PSSg Ernie Baroy at PSSg Philip Cesar Apostol, dakong alas-9:30 ng gabi, la­sing na naka-duty sa binabanta­yang Petron Gasoline Station sa kahabaan ng M.H Del Pilar St., Brgy. Maysilo nang aksidenteng pumutok ang kanyang service firearm shotgun at tinamaan ng ligaw na bala ang biktima.

Mabilis na isinugod ang biktima sa natu­rang pagamutan habang nadakip naman ang suspek ng mga rumes­pondeng mga tauhan ng PCP-1 na sina PCpl Dexter Tolentino at Pat. Victor Mandac.

Narekober ng mga pulis ang isang shotgun at isang basyo ng bala ng 12 gauge. VICK TANES