ITINUTULAK ng isang public transport group ang cashless payment sa pamamagitan ng tap cards bilang bahagi ng paghahanda para sa ‘new normal’ sa gitna ng banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa Provincial Bus Operators Association of the Philippines (PBOAP), nagsasagawa na sila ng mga hakbang para makatugon sa COVID-19 safety requirements ng pamahalaan bago payagang makabalik sa pamamasada.
“Bago kami makapag-operate, kailangang i-check namin ‘yung bus. Mayroon tayong mask para sa driver at conductor. At mayroon pa tayong mga hand sanitizer doon sa loob ng bus. Kailangan pa tayong gumamit ng thermal scanner,” wika ni PBOAP president Alex Yague.
Bukod dito ay naglagay rin ang mga operator ng markers sa mga upuan ng bus upang masiguro ang social distancing.
Ang pagsusuot ng face mask at social distancing ay ilan lamang sa mga kautusan ng pamahalaan para mapigilan ang pagkalat pa ng COVID-19.
Comments are closed.