TUMAAS ang digital payments sa bansa sa 20% ng total transactions noong 2018, ayon sa pag-aaral ng Better Than Cash Alliance-United Nations (BTCA-UN).
Sa ipinalabas na BTCA study summary ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), lumabas na ang digital payments ay bumubuo sa 10% ng total volume at 20% ng value noong 2018.
Mas mataas ito sa 1% sa volume at 8% sa value terms noong 2013.
“The latest numbers translate to 470 million to 490 million in monthly digital payment transactions in the Philippines, nearly 20 times the estimated the 25 million in 2013,” ayon sa pag-aaral.
“This phenomenal increase is driven by a surge in digital payments made by individuals. This increased significantly to 12%, up from less than 1% in 2013,” nakasaad sa The State of Digital Payments in the Philippines executive summary.
Ang BTCA-UN ay isang alyansa ng 75 miyembro na may misyong i-catalyze ang global movement mula cash sa digital pay-ments upang makatulong sa pagtamo ng Sustainable Development Goals.
Noong nakaraang buwan ay inanunsiyo ng central bank ang target nito na 30% ng lahat ng payments sa 2020 pagdating sa val-ue, mula sa original target na 20%.
“This development affirms that significant progress is attainable through effective cooperation as we harmonize our efforts to-wards promoting a cash-lite economy,” wika ni BSP Governor Benjamin Diokno
“In view of its immense potential to foster financial inclusion, the rising usage of e-payments is seen to provide robust support to our shared goal of promoting inclusive economic growth,” dagdag pa niya.
Inaasahang madaragdagan pa ang bilang sa mga darating na taon dahil sa Government e-Payments (EGovPay) facility at sa QRPh, ang national standard para sa quick response codes.
“With those two additional actions, it will be easily around 30%. The journey to electronic payments will be completed within three years. What will accelerate the process is if the adoption of the QRPh will make the system interoperable.” PILIPINO Mirr03or Reportorial Team
Comments are closed.