INIURONG ng Department of Transportation (DOTr) ang pagpapatupad ng cashless transaction sa mga toll way sa Disyembre 1 mula Nobyembre 2.
Ayon kay Toll Regulatory Board (TRB) Executive Director Abraham Sales, ang hakbang ay upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga motorista, partikular ang mga madalas na dumadaan sa mga toll way na makapagpakabit ng Radio Frequency Identification (RFID) stickers sa kanilang mga sasakyan.
“Secretary Arthur Tugade allowed the extension in order to give motorists, especially infrequent toll road users, more time to comply with the department order,” paliwanag ni Sales.
Ito rin, aniya, ay upang maiwasan ang mahabang pila dahil sa dami ng mga motoristang nagpapakabit ng RFID stickers.
Nauna rito ay ipinalabas ng DOTr ang Department Order 2020-012 na nag-aatas ng full implementation ng cashless toll collections sa mga expressway at major toll road.
Kaugnay ito sa pagsisikap ng gobyerno na mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 at maiwasan ang pagsisikip ng trapiko sa toll plazas.
Ang mga motorista na hindi susunod sa kautusan ay huhulihin at titiketan.
Comments are closed.