HANGGANG hindi pa umano napaplantsa ang ‘interoperability’ sa inilalagay na radiofrequency identification (RFID) ng dalawang expressway operators, hindi muna dapat ipatupad ng Department of Transportation (DOTr) ang iniutos nitong cashless toll payments simula sa darating na Disyembre 1.
Ito ang ipinahayag ni Valenzuela 1st District Rep. Wes Gatchalian, chairman ng House Committee on Trade and Industry, sa harap na rin ng kabi-kabilang pagpuna at reklamo ng mga vehicle owner hinggll sa pagpapakabit ng RFID.
“It puzzles me why the DOTr decided to implement a cashless toll collection scheme when Easytrip and Autosweep are not yet compatible with each other’s tollway system. Since the government targets to have full interoperability by next year anyway, then we should also consider delaying the implementation of the cashless toll collection until next year,” ang matigas na pahayag ng House panel chairman.
Hinimok din ni Gatchalian ang Toll Regulatory Board (TRB) na ipagpaliban ang cashless toll collection at atasan ang Easy Trip at Autosweep RFID na gawing ‘compatible’ ang sistema ng dalawa.
“I understand that TRB Executive Director Abraham Sales has said there will no longer be extensions after December 1, but implementing the cashless payment scheme without interoperability will only create more problems for our motoring public,” pagbibigay-diin ng Valenzuela City lawmaker.
“While we fully support the shift to cashless transaction to lessen physical contact to contain the spread of COVID-19, the move should have been carefully planned and coordinated by the two toll operators to ease the burden of consumers to apply for and load up two different RFID cards,” sabi pa ni Gatchalian.
Magugunita na Nobyembre 2 ang unang itinakda ng DOTr na pagsisimula ng ‘contactless payment’ sa lahat ng tollways subalit dahil sa maraming reklamo sa pagpapalagay ng RFID ay iniurong ito sa Disyembre 1.
Kabilang sa mga reklamo ay ang paglilimita sa bilang ng ikakabit na RFID stickers kada araw, kakaunting lugar kung saan pupuwedeng mag-apply, pagiging offline ng RFID system kapag magpapa-load, hindi ma-detect na RFID stickers sa toll plaza at iba pa. ROMER R. BUTUYAN
Comments are closed.