CASINOS SA MACAU BALIK-OPS NA

lynchpin industry

MACAU – Muling magbubukas ang mga casino sa Macau sa Huwebes makaraang alisin ng awtoridad ang city-wide two-week closure na layong mapigilan ang pagkalat ng nakamamatay na coronavirus disease (COVID-19).

Ang pagbabalik ng operasyon ng lynchpin industry ay kasunod ng ulat na walang bagong infections na naitala sa nakalipas na dalawang linggo, kung saan ang bilang ng kumpirmadong kaso ay 10 lamang.

Nagpasiya ang dating Portuguese colony na isara ang halos lahat ng entertainment sector sa kaagahan ng buwan, kabilang ang casinos, nightclubs at bars para mapigilan ang pagkalat ng virus.

Karamihan sa mga turista sa Macau ay mainland Chinese travellers na mahilig sa casino.

Bilang tanging lugar sa China kung saan pinapayagan ang mga casino, ang gambling houses sa Macau ay bumubuo sa 80 percent ng kita ng gobyerno.

Nagmula sa Wuhan, China, ang COVID-19 ay naka-infect na sa mahigit 72,000 katao sa mainland at 60 sa Hong Kong.

Mahigit sa 1,800 buhay na rin ang nakitil sa mainland at isa sa Hong Kong.

Comments are closed.