CASSANDRA ONG NALIPAT NA SA WOMEN’S CORRECTIONAL

NAILIPAT  na  sa women’s correctional sa Mandaluyong si Cassandra Ong, ang sinasabing incorporator ng Whirlwind Corporation at kinatawan ng Lucky South 99 na pawang mga POGO company.

Sinabi ni House Secretary General Re­ginald Velasco, Miyerkoles ng hapon nang ilipat si Ong sa nasabing pasilidad.

Matatandaan na sa nakaraang pagdinig ng Quad Committee ay muling ipina-contempt ng komite si Ong dahil sa hindi pagsasabi ng totoo sa kung saang paaralan siya nagtapos ng  alternative learning system o ALS.

Tinapos muna ni Ong ang una nitong contempt order na 30 araw na detention sa Kamara  bago nailipat ng pasilidad.