HANGGANG ngayon, marami pa rin ang hindi kayang tangkilikin ang sariling atin na tatak at gawang Pinoy.
Para bang may allergy sa sariling produkto o gawang Pilipino. Kapag kapwa Pinoy na ang nagbebenta, masyado nang nahuhusgahan.
Naaalala ko pa, binuhay ng Kongreso ang “Filipino First” sa pamamagitan ng special provisions sa inaprubahang P781-billion budget para sa 2002.
Binanggit doon na ang lahat ng mga bibilhing equipment, supplies at iba pang produkto ay kinakailangang gawa locally.
Kung ito ay hindi ginagawa sa bansa, saka lamang papayagan ang importasyon ng mga nasabing gamit o equipment.
Kasama rito ang heavy equipment para sa mga infrastructure projects o kung ang pondo ay galing naman sa foreign borrowing.
Ngunit hindi na naulit ang kampanyang ito kaya tuloy-tuloy ang pagtangkilik ng mga tao sa mga gawang banyaga.
Bakit kaya tinatalikuran natin ang bagay na mayroon na nga sa ating harapan ay naghahanap pa tayo ng mas higit pa sa ating inaasahan?
Kung gayon, para na ring tayo ang papatay sa sarili nating kultura, at siyempre, kasama na ang mga produkto na mayroon tayo na ating binabalewala.
Pero sa Southern Leyte, hindi masasayang ang sariling atin tulad ng cassava matapos pangunahan ng Department of Agriculture-Regional Field Office 8 (DA-RFO 8), kasama ang City Agriculture Office, ang cassava production technology training noong Setyembre 7 hanggang 9 sa Brgy. Libertad, Maasin City.
Tinatayang 20 magsasaka mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod ang lumahok sa three-day training.
Ilan sa mga tinalakay na paksa ay ang cultural management techniques sa cassava production, pagpuksa o pagkontrol sa mga peste at sakit, pag-aani at post-harvest operations.
Lahat ng mga participant ay binigyan din ng pagkakataon na makaranas ng actual field work.
Sa mismong demonstration site, sinunod ng mga magsasaka ang inirekomendang technology guide ukol sa land preparation at planting methods na sinundan ng fertilizer application.
Kung hindi ako nagkakamali, unang ipinakilala ng National Corn Program ng Department of Agriculture ang cassava model farm project noong 2018 upang matugunan ang tumataas na demand sa cassava para gawing pagkain at feeds, at mahikayat na rin ang ibang rehiyon na paramihin ang kanilang produksiyon.
Isang tuwid at mataas na halaman ang kamoteng-kahoy o cassava. Kilala rin ito bilang balinghoy o balanghoy.
Ipinagbibili ito sa anyong arina habang ang iba naman ay niluluto ito nang sariwa o nilalaga.
May cassava chips na rin ngayon na pang-meryenda.
May ulat noong 2002 na umaabot sa 184 tonelada ang produksiyong pandaigdig ng kamoteng-kahoy.
Mukhang maganda ang magiging kapalaran ng cassava production kung magtutuloy-tuloy ang suporta rito ng gobyerno, partikular ng DA.
Isulong na rin siguro natin ang “Filipino First” policy na isang magandang hakbang para maisalba ang nakadapang ekonomiya ng Pilipinas ngayong panahon ng krisis.
Medyo mahirap ito sa simula pero tiyak na may kahahantungan naman.
Mahirap dahil ang mga Pilipino ay nasanay nang bumili ng mga imported.
Ang patuloy na pagtangkilik ng marami sa mga imported ay siya ring dahilan daw kung bakit patuloy ang smuggling ng iba’t ibang goods.
Pangunahan na rin sana mismo ng mga taga-gobyerno ang kampanya ukol dito para matuto ang Pinoy na tumangkilik sa mga sarili nating produkto.
308844 686854In case you happen to significant fortunate individuals forms, referring by natural indicates, moreover you catch the attention of some sort of envy in consideration of those types the other campers surrounding you which have tough times about this topic. awnings 1743
442010 22336Your weblog is showing far more interest and enthusiasm. Thank you so much. 279545
624492 945103Blogs ou ought to be reading […]Here is a superb Blog You might Find Fascinating that we Encourage You[…] 425156
292767 243546I recognize there is surely a great deal of spam on this blog. Do you want aid cleansing them up? I could support in between classes! 364316