NABIGLA ang lahat sa pagkamatay ni Susan Roces, at hindi raw sila makapaniwala nang una nilang narinig ang balita.
Ayon kay Lorna Tolentino, natulala at nalungkot ag lahat habang nakatitig sa ulan nang makarating sa kanila ang balita sa kanila.
Dahil naka lock-in taping grupo, nagpamisa na lamang ang grupo para sa kanilang Lola Flora. Pagkatapos ng misa ay babalik din daw silang lahat sa Ilocos Sur para ipagpatuloy ang kanilang taping.
Dagdag pa ni Lorna T, malaki ang utang na loob niya kay Susan dahil ito ang nakadiskubre sa kanya nang kunin siyang batang Susan sa peliukulang Divina Gracia.
Si Lorna rin ang pumalit kay Susan sa psychological horror na Patayin Mo sa Sindak si Barbara (1974) na dating si Celso Ad. Castillo ang direktor. Sa remake nga nito noong 1995 na si Lorna na ang bida, si Chito S. Roño na ang director.
Nagpahayag din ng pakikiramay ang Kapamilya Network at cast and crew of ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ sa pangunguna ni Coco Martin.
Napamahal umano ng husto sa kanila si Susan dahil napakabait nito sa kanilang lahat.
Taos-pusong pakikiramay rin ang hatid ng pamunuan ng Piluipino Mirror sa pagpanaw ng tinagureian nating “Queen of Pilippine Movies.” Isa siya sa mga haligi ng Pelikyulang Pilipino na mananatili sa puso ng lahat.
ANNE CURTIS IT’S SHOWTIME GIRL ULI
Balik-Kapamilya na uli si Anne Curtis nitong Sabado sa It’s Showtime matapos ang dalawang taong maternity leave.
Sulit naman ang lahat dahil napakaganda ng kanyang anak na si Dahlia Amelie kay chef celebrity Erwan Heusaff. Nanatili muna sila sa Melbourne, Australia at kelan lamang sila bumalik sa Pilipinas. Besides, nagkapandemic kaya na-lockdown sila sa Australia.
Isang mainit na welcome ang natanggap ni Anne sa kanyang pagbabalik.
By the way, may concert na naman ang Anee Curtiz – ang Luv-Anne Live!, na itatanghal sa New Performing Arts Theater ng Resorts World Manila sa June 11, 2022. Wow, ha!
BANGS GARCIA HINDI DOMESTICATED KAYA NA-DEPRESS
Itinengga sa bagay si Bangs Garcia ng mayaman niyang asawa kaya na-depress daw siya siya nang iwan niya ang showbiz life sa Pilipinas.
Wala namang pagsisisi si Bangs sa pagpapakasal sa kanyang Filipino-British husband na si Lloyd Birchmore noong 2016 at pagkakaroon ng dalawang anak dito, pero nagkaroon daw talaga siya ng ild depression nang isilang niya ang kanilang ikalawang anak. Sa United Kingdom kasi sila nanirahan, malayo sa mga kamag-anak at kaibigan.
Okay raw naman ang kanyang family life dahil mabuting asawa ang kayang mister. Very understanding na, tinutulungan pa raw siya nito sa mga gawaing bahay kahit pagod sa trabaho lalo na nang manganak siya.
Kaya lang, nahihirapan raw talaga siyang maging plain housewife dahil sanay siyang laging nagmamadalii sa oras sa Pilipinas laslo na kung may shooting.
“Itong pangalawa ko, doon ako tinamaan ng depression. ‘Tapos nag-pandemic pa, na-realize ko, sabi ko, ‘Hindi ako puwedeng maging housewife talaga,” ani Bangs. “Buti na lang somehow, nakahanap ako ng outlet, which is vlogging.” Meroon na raw siyang 237,000 subscribers at ang kanyang content ay tungkol sa buhay-pamilya.
POPS FERNANDEZ NANAWAGAN NG PAGKAKAISA
Nanawagan sa lahat ang Concert Queen na si Pops Fernandez na magkaisa na tayong lahat dahil tapos na ang eleksyon.
Matatandaang nagkaroon ng hidwaan sa Philippine entertainment industry dahil sa mga iniindorsong kandidato ng mga artista.
Ayon kay Pops, iba-iba man ang sinuportahan ng mga artista sa nakaraang halalan, at the end of the day, iisa lang naman ang gusto ng lahat – ang makabubuti sa bayan.
“Magkababayan po tayong lahat,” ani Pops. “Lahat po tayo, Pilipino, so, iisa lang po yung gusto nating makamtan. Sana po, walang away.”
Saad pa niya, “Iisa lang ang Pilipinas at, again, mga Pilipino po tayo.”
DONITA ROSE, FELSON PALAD SANA SILA NA
Sampung taon ang pagitan ng edad nina Donita Rose at Felson Palad pero balewala ‘yon sa magkasintahan. Basta ang alam nila ay nagmamahalan sila.
Si actress Donita ay kasalukuyang naninirahan at nagtatrabaho bilang celebrity chef sa Los Angeles, California habang si Felson naman ay dating biology professor at ngayon ay isang professional singer sa retirement homes sa U.S.
Ayon kay Felson, walang kaarte-arte si Donita kahit sikat ito. Hindi naman umano inakala ni Donita na magiging boyfriend niya sa Felson dahil sa unang pagkikita pa lang nila ay nakita na nito kung gaano siya kalakas kumain.
Aminado naman si Felson na celebrity crush niya si Donita noong high school pa, kaya kinuha niya agad ang number nito sa unang pagkikita pa lang. Kaya lang, nang kontakin niya ito, dinedma siya.
Tatong araw awsiyang text ng text pero walang sagot, kaya nagdasal na raw siya – baka pakinggan ng Diyos. Pero eventually, naging sila rin at sana nga ay sila na haambuhay.
ANAK NI RUFFA, ANAK NI JANICE
Kung pagandahan ng anak ang usapan, walang itulak-kabigin, parehong magaganda ang mga anak nina Ruffa Gutierrez at Janice de Belen. Why not? Pareho rin naman silang maganda, lamang lang sa height si Ruffa. Wala namang bansot sa mga Gutierrez.
Pero ang pag-uusapan lang natin ay sina Kaila Estrada na ngayon ay pumasok na sa showbiz world tulad ng kanyang mga magulang na sina Janice at John Estrada, at Venice Bektas na bunsong anak naman ni Ruffa kay ex-husband Yilmaz Bektas. Parang ito ang interesado sa showbiz.
At take note, hindi tiyanak ang anak ni Janice na si Kaila. Maganda ito, sexy, mahusay umarte, matangkad, sosyal, at higit sa lahat, college graduate na.
Si Venice naman, kahit 17 years olf pa laang, may itinatago na ring kaseksihan. Sabi ni Ruffa, mas straightforward daw si Venice kesa kay Lorin dahil nagmana ito sa kanyang inang si Annabel Rama.
Parehong mahiyain sina Kaila at Venice, pero kaya nilang dahil ang kanilang mga sarili kapag gipitan na. si Kaila, nakita na natin ang husay sa pag-arte sa katatapos na TV series na Viral Scandal. Si Venice, wala pa tayong pruweba, pero malalaman din natinn kapag pumasok na siya sa daigdig ng pelikula. Ang masasabi ko lang, mas sexy talaga ang mga aak ni Ruffa. Ang lalaki ng bumpers!