CASUGAY TOPS ATHLETE OF THE MONTH

on the spot- pilipino mirror

DAHIL sa kanyang hindi matatawarang husay at kabayanihan, kinilala si 30th Southeast Asian Games surfing champion at hero Roger Casugay bilang ‘Athlete of the Month’ para sa buwan ng Disyembre ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS).

Nasungkit ni Casugay, na binigyang papuri ng international surfing community para sa kanyang heroic act, ang gold medal sa surfing competition sa Monalisa Point sa San Juan, La Union Province.

Naiuwi ng 25-year-old Filipino champion ang ginto sa men’s longboard category sa iskor na 14.50 sa overall round, lamang ng tatlong puntos kay compatriot Rogelio ‘Jay-R’ Esquivel, Jr.

Ayon kay TOPS president Ed Andaya, nagpaabot din ng appreciation si Indonesian President Joko Widodo sa Twitter sa kabayanihan ng Pinoy “to save an Indonesian athlete from falling in the middle of the SEA Games 2019 men’s longboard event.”

Personal ding pinili ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez si Casugay para maging Philippines flag bearer sa SEAG closing ceremonies na ginanap sa New Clark City Athletics Stadium noong Dec. 11 bilang pagkilala sa kanyang sportsmanship.

Sinamahan ni Casugay sina TOPS monthly awardees Manny Pacquiao (January), Jasmin Mikaela Mojdeh (February), Natalie Uy (March), Ernest John Obiena (April), June Mar Fajardo (May), the Philippine Canoe Kayak and Dragon Boat Federation team (June), Obiena (July), Antonella Berthe Racasa (August), Obiena (September), Caloy Yulo (October) at Margielyn Didal (November). Congrats.



Handang-handa na ang AMA ONLINE Education para sa nalalapit na pagbubukas ng PBA D-League ngayong January. Pero bago ang pag-bubukas ng liga ay dadaan muna sa D-League drafting sa January 13 ang rookies na nais makipagsapalaran para maging daan ito sa paglalaro sa professional league. Unang-una ang team ni coach Mark Herrera sa nagbayad sa liga kaya naman inspired ang mga player nila na school bases dahil sigurado ang koponan sa PBA D- League. Isa kami sa umaasa na magtsa-champion na ang AMA ONLINE Education ngayong season. Sana ay malakas ang team na nabuo ni coach Herrera. Good luck!



Atat na atat na ang PBA followers sa pagsisimula ng best-of-seven finals ng Barangay Gi­nebra at Meralco. Hindi na nga ba nagbakasyon ang dalawang koponan dahil sa paghahanda sa championship game? Matindi ang pag-asam ng Bolts sa labang ito dahil matagal na panahon nang hindi nagtsa-champion ang  Meralco at si coach Norman Black.

Comments are closed.