CATHOLIC VOTE MASUSUBUKAN KAY GRACE POE

grace poe

MASUSUBUKAN sa nalalapit na halalan kung mayroong solidong boto ang mga miyembro ang Simbahang Katolika sa pag-endorso ng ilang lay Christian leaders mula sa People’s Choice Movement  na binubuo ng mga Katoliko, Evangelical at Protestante,  partikular kay Senadora Grace Poe.

Ikinatuwa ng opisyal ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP) na si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo ang listahan ng inendorso sa pagka-senador ng natu­rang inter-faith group.

“Our lay leaders, the People’s Choice Movement, have done their work of discernment,” sabi ni Pabillo sa kanyang Facebook post.

Nangunguna sa listahan ang independent candidate na si  Poe na la­ging No. 1 sa mga survey ng Pulse Asia at Social Weather Station, dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares at walo mula sa oposition slate na Otso Diretso na sina Gary Alejano, Bam Aquino, Chel Diokno, Samira Gutoc, Florin Hilbay, Romy Macalintal, Mar Roxas at Erin Tañada.

Ani Pabillo, trabaho ngayon ng mga layko na tulungan ang kanilang mga kandidatura para kontrahin ang mga tradisyunal na politiko.

Muling nanguna sa isinagawang Veritas Truth Survey (VTS) sa buwan ng Pebrero at Marso na may 1,200 respondents mula sa iba’t ibang panig ng Filipinas si  Poe.

Ang mga respondent ng VTS ay pawang mga mananampalatayang Katolikong botante mula sa mga parokya sa 86 na mga Arkidiyosesis at Diyosesis ng Simbahang Katolika sa Filipinas.

Pumasok sa magic 12 ng Veritas Truth Survey ay sina (2) Sonny Angara, (3) Cynthia Villar, (4) Pia Cay-etano, (5) Willie Ong, (6) Ronald Dela Rosa, (7) Nancy Binay, (8) Paulo Bam Aquino, (9) Christopher ‘Bong’ Go, (10) Neri Comenares, (11) Aquilino “Koko” Pimentel III at (12) Francis Tolentino.

Comments are closed.