NAGPA-SWAB test muli si Miss Universe 2018 Catriona Gray para matiyak na wala siyang COVID-19 sa harap ng pagsabak sa sari-saring proyekto.
Sa kaniyang Instagram post, binigyang diin ni Gray na mahalagang magpa-test para na rin mapangalagaan niya ang kaniyang pamilya, kaibigan at katrabaho.
“[It’s] empowering knowing that I’m equipped with the knowledge about my [COVID-19] status as I continue to be busy with work and different projects,” ang pahayag nito sa caption ng post.
“I get tested not just to take care of myself, but to also take care of my family, friends, work colleagues and of our community,” dagdag pa niya.
Ibinida rin nito sa kanyang post ang Philippine Red Cross (PRC) kung saan siya nagpa-swab test.
Si Gray ay hinirang na ambassador ng PRC na layong magbahagi ng tamang kaalaman tungkol sa COVID-19.
Comments are closed.