Napagnakawan si 2018 Miss Universe Catriona Gray sa pagbabakasyon niya sa London kasama ang kanyang pamilya.
Sa kanyang Instagram, ibinahagi niya ang larawan ng kanyang kotseng basag ang salamin at nawala rin ang kanyang mga valuables na nasa loob ng kotse.
Aniya, ipinarada niya ang sasakyan para kumain dahil papunta na sila sa airport, at paglabas niya ay ganoon na ang kanyang naabutan.
Nagtungo umano sila sa London para bisitahin ang hometown ng kanyang ama na nakatira sa Scotland.
Si Ian Gray, ama ni Catriona, ay Scottish descent ngunit lumaki sa Australia.
Ayon sa beauty queen, first time niyang makarating sa Scotland at first time din ng kanyang amang bumalik sa kanyang homeland mula nang mag-migrate ito sa Australia noong 7 years old pa lamang ito noong 1952.
Namingwit pa umano ang kanyang ama sa Fraserburg ni Ian Gray, kahit wala na siyang kakilala sa nasabing lugar.
Kahit nanakawan, masaya pa rin umano si Catriona dahil alam niyang napasaya niya ang kanyang ama.
RLVN