BINIGYAN ng pagkilala ng Kamara si Miss Universe 2018 Catriona Gray kahapon.
Dumating sa Batasan si Gray kasama ang Miss Universe Organization at sinalubong ito ng mga lider ng Kamara, mga empleyado at mga kongresista.
Sa House Resolution 178 ay pinuri ng mga mambabatas ang naiambag ni Catriona sa lipunan tulad ng pagtulong sa mga kabataan sa Tondo, Manila at pagsusulong ng HIV awareness.
Nagpasalamat naman ang beauty queen sa napakalaking oportunidad na ibinigay sa kanya para makaharap ang mga lider ng bansa.
Comments are closed.