CATRIONA GRAY TALENTED SINGER AT MUSICIAN

catriona gray4

HINDI lamang ganda at kata­linuhan ang puwedeng ipagmalaki ng bagong kinoronahang Ms. Universe The point2018 na si Catriona Gray.

Bukod sa pagpapauso ng lava walk na pinuri ng Vogue magazine, isa ring commercial model si Cat.

May ipagmamalaki rin siyang boses dahil singer din siya bago pa man siya nagwagi sa mga beauty pageant.

Katunayan, hataw ang single niyang “We’re In This Together” dahil nag-number one ito sa Spotify.

Si Cat ay isa ring magaling na musical arranger at pangarap talaga niya na magkaroon ng sariling album.

Magaling din siyang mag-compose at mag-rearrange ng tune ng isang awitin.

Hindi naman kataka-taka dahil nagtapos ng kursong Music Theory ang Fil-Australian beauty queen sa Berkeley College of Mu-sic sa Boston.

PAOLO PARAISO HINDI DIE HARD DUTERTE FAN

BAGAMA’T nakalabas na sa mga kontrabida roles si Paolo Paraiso, bagong challenge sa kanya ang papel paolo paraisoniya sa “KontrA-diksyon” na nagsimula na ang shoot sa ilalim ng direksiyon ni Njel de Mesa, Palanca-award winning writer ng “Respeto” at  kasa-luku­yang board member ng MTRCB.

“Psychopatic villain kasi siya, kaya maganda siyang laruin kaya tinanggap ko agad. Besides, never ko pa siyang nagagawa,” sey ni Paolo. “Everytime,  gumagawa ako ng villain role, parang umaangat siya. Iyong intensity, naiiba,” dugtong niya.

Hirit pa niya, ito raw ang isa sa mga pinamatinding character na gagam­panan niya.

“Sabi nga ng direktor ko, bagay raw sa akin iyong character. Ako iyong naisip niya kaya ako ang kinuha,” paliwanag niya.

Karamihan sa mga makakasama niya sa pelikula ay sinasabing sumusuporta sa anti-drug campaign ng Pangulong Duterte.

Gayunpaman, nilinaw niya na hindi siya isang diehard Duterte fan.

“Actually, isa sa mga unang tanong ko iyan. Is this a pro-Duterte film? Sabi nila, hindi. We will be talking about the issue and not  about the presidency,” deklara niya. “It’s not about the office. In my opinion, when you make a film, there’s a message to it. There’s probably an  issue at hand and then you address it, pero here, wala naman siyang ino-offer na solusyon. Kumbaga, it’s just a statement of facts na nangyayari sa panahon natin ngayon,” pahabol niya.

Nilinaw rin niya na hindi propaganda ang nasabing pelikula.

“First, noong binasa ko iyong iskrip, bale wala sa akin kung pro-yellow or pro-Duterte, or whatever you call it sa political sce-ne. Because, sa totoo lang, relevant siya.  When you look around it’s happening. Whatever or which camp you come from. When you spin this way, may  tendency na sabi­hing  yellow ka. Kung you spin that way, Duterte ka,” paliwanag niya.

Hindi naman bago si Paolo sa political scene sa bansa dahil apo siya ng dating mayor ng Lumban, Laguna.

Aware rin daw siya sa mga karahasang nagaganap sa bansa kaugnay ng droga.

“Of course, growing, the Paraisos are from  Tondo. Ang lolo ko dating mayor ng Lumban na na­ging vo-cal sa kanyang campaign laban sa illegal drugs lalo na sa hometown niya  na naging very rampant din ang shabu,” aniya.

Comments are closed.