ISABELA-SA 45th Philippine Business Conference and Expo ay itinanghal na 2019 Most Business-Friendly Local Government Unit (LGU) ang Cauayan City, Isabela sa buong Filipinas.
Ayon kay City Mayor Bernard Faustino La Madrid Dy, labis silang nagagalak dahil sila ang napili at tinanghal bilang Most Business Friendly LGU sa buong Filipinas.
Ang parangal ay gaganapin sa Oktubre 17, 2019 sa Malakanyang at mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang magbibigay ng award.
At isa umanong malaking oportunidad ito sa kanilang lungsod, dahil ito ang magiging tulay para mas lalo pang mapansin ng mga negosyante ang Lunsod ng Cauayan na magdudulot din ng ibayong pag-angat ang ekonomiya nito.
Pahayag pa ni Mayor Dy na mula nang magsimula ang nasabing paligsahan noong 2014 ay hanggang finalist lamang ang Lungsod ng Cauayan kaya labis silang nagpapasalamat dahil sa taong ito nakuha na ng LGU ang top 1. IRENE GONZALES
Comments are closed.